Wikang Filipino, Pagdiriwang Ngayong Agosto

Posted on: Thursday, Aug 5, 2010

August is the month of celebrating the national language of the Philippines, the ‘Wikang Filipino’.  This year’s theme is, “Sa Pangangalaga sa Wika at Kalikasan, Wagas na Pagmamahal Talagang Kailangan.”  In connection with this celebration we are reposting of an original entry from Department of Education website.

Isang Pagpupugay sa Wikang Filipino Agosto, Buwan ng Wika

“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at  malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng  inang sa atin ay nagpala.” Ito ang mga tanyag na katagang  nagmula sa ating pambansang bayani na si Gat. Jose P. Rizal na nagbibigay importansya sa kahalagahan ng wika sa buhay ng isang tao.


Ang wika ng isang bansa ay masasabi natin na kaluluwa ng isang bansa na siyang nagbibigay buhay dito. Ito ay nagsisilbing tulay na siyang nagdurugtong sa mga komunidad na naninirahan sa isang bansa. Sa pamamagitan nito, ang pagkakaisa at pagkakaunawaan sa bawat tao ay lalong yumayabong. Ito rin ang nagsisilbing susi ng ating pagkakakilanlan, sa pamamagitan nito, nakikilala ng ibang tao kung sino tayo.


Ang importansya upang lalong paunlarin at palawakin ang ating pambansang wika ay matagal nang binibigyang pansin ng mga namumuno sa ating bansa. Sa Pilipinas mayroon tayong higit sa isang daang klase na lengguahe na ginagamit mula Batanes hanggang Tawi-tawi, ngunit ang pambansang wikang “Filipino” pa rin ang siyang mas malimit na ginagamit at mas naiintidahan sa buong kapuluan.


Sa ating mayamang salita, madali nating makikita ang iba’t-ibang impluwensya na siyang nakapagbago at humulma sa pagkatao ng mga Filipino. Samakatwid ang wika rin ay maari ring maging batayan ng ating nakaraan at kultura.


Kaya ang “Buwan ng Wika” ang isa sa mga pagkakataon natin upang ito ay pagyabungin at ipagmalaki. Pagkakataon din ito upang iparating sa  ating mga kababayan na ang ating pambansang wika ay hindi lamang para sa pakiki-pagkomunikasyon ngunit siya ring pundasyon ng ating pagkakakilanlan bilang isang indibidual at bilang isang bansa.



« « New DepEd and DOH Chief| August Celebrations » »

Home

The School

SCLC Logo

Sampaguita Children's Learning Center

  • Complete Pre-School
  • Complete Elementary
  • DepEd Recognized Institution
  • SEC Registered Corporation


Sponsored Links



Visitors

Categories